Rollback sa presyo ng LPG

0
52

Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang malakihang rollback sa presyo ng LPG o Liquified Petroleum Gas ngayong unang araw ng Hunyo.

Epektibo kaninang 12:01 ng hating gabi, nagpatupad ng 6.25 sentimos na tapyas presyo sa kada kilo ng LPG ang mga kumpanyang Petron at Phoenix Petroleum.

Katumbas ito ng 68.75 sentimos na bawas sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

Habang 3.50 naman kada litro ang kaltas sa kanilang auto LPG.

Samantala, epektibo naman ngayong 6 ng umaga ang  6.9 kada kilo o 66.90 kada tangke na bawas sa presyo ng LPG ng kumpanyang solane.