2 construction worker arestado sa buy bust ops sa QC

0
52

Bagsak sa kulungan ang dalawang construction worker makaraang mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDE sa Dahlia Street, Barangay Payatas, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Louie Clutario at Garry Navarro na natimbog nang bentahan umano ng shabu ang isang poseur buyer ng PDEA.

200 gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa dalawang trabahador na tinatayang nagkakahalaga ng 1.3 million pesos.

Ayon kay PDEA-National Capital Region Officer-in-Charge George Paul Alcovindas, sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.