Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos

0
42

Niyanig ng magnitude 3 point 8 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang pagyanig sa layong 80 kilometro sa Timog Silangang bahagi ng San Jose Abad Santos.

Ayon sa PHIVOLCS, Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim naman na 19  na kilometro.

Samantala, wala namang inaasahang Aftershocks at wala rin namang napaulat na nasaktan bunsod ng Lindol.