2 umano’y tagasuporta ng Daulah Islamiyah arestado sa Quezon City

0
44

Naaresto ng mga otoridad ang 2 hinihinalang miyembro ng teroristang grupong Daulah Islamiyah sa Tandang Sora sa Quezon City.

Kinilala ni PNP o Philippine National Police Gen. Oscar Albayalde ang mga suspek na sina Arnel Flores Cabintoy at Feliciano Mañas Sulayao.

Ayon kay albayalde, patuloy pa rin nilang ini-imbestigahan kung nag-paplano ng pag-atake ang dalawang suspek kung kaya’t nasa quezon city ang mga ito.

Anya, ang mga naturang suspek ay bahagi ng 2″support groups” noong kasagsagan ng Marawi Siege.

Samantala,mahaharap naman ang mga na-arestong suspek sa kasong illegal possession of explosives.