Sec.Panelo nanindigang hindi alipin ng China ang mga Pinoy

0
53

Nanindigan ang MalacaƱang na hindi alipin ng China ang Pilipinas.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Felix Dela Torre, ang may ari ng bangka ng mga pilipinong mangingisda….kung saan sinabi nito na alipin lamang ng China ang Pilipino, at walang karapatan ang bansa sa sarili nitong sinasakupang teritoryo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailanman ay hindi alipin ang Pilipinas ng anumang bansa, lalo na ng China.

Kasabay nito, sinabi rin ni Panelo na sa ngayon ay mas makabubuti munang hintaying matapos ang isinasagawang imbestigasyon ng Pilipinas at China hinggil sa naturang insidente.