Nawasak ang bahaging ito ng bahay, ilang istruktura kabilang ang isang bangka matapos hampasin ng malalaking alon na sinabayan pa ng malakas na hangin dahil sa masamang panahon na naranasan nitong gabi, Oktubre 28 kung saan ang mga nakatira sa baybayin ng Purok Sta. Cruz, Brgy. Leon Garcia, Agdao, Davao City.
Kaugnay nito, naglabas ng advisory ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Council (DCDRRMO) sa mga coastal barangay ng lungsod na magsagawa ng pre-emptive evacuation dahil sa pagtaas ng tubig at namataan ang malalakas na alon sa karagatan.
Sa impormasyon din mula sa Brgy. Kapitan Lita Empis, pansamantalang nililinis ang evacuation center ng barangay 19 na pamilya na binubuo ng mahigit 67 indibidwal na inilikas dahil sa malakas na alon sa coastal area. (Krizza del Pilar Austero)
