Davao: Mga Bangka At Mga Bahay Nasira Dahil Sa Malakas Na Alon Sa Dagat Hatid Ni Bagyong Maring

0
229

Governor Generoso, Davao Oriental – Nasira ang mga bangka at mga bahay, Sabado ng gabi, Oktubre 9, 2021 matapos hinampas ng malakas na alon at hangin dahil sa Bagyong Maring.

Base sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMC) ng Governor Generoso na umabot at pumasok na ang tubig dagat sa kabahayan at mga gusali dahil sa Tidal flooding.

Nagbigay ng abiso ang MDRRMO sa mga residente na aalis muna sa kanilang mga bahay dahil delikado ang malakas na alon.  Patuloy din ang monitoring ng mga rescuer sa mga nagsilikas at sa sitwasyon ng dagat sa mga coastal area.

(Source: MDRRMO Governor Generoso)

Leave a Reply