- Advertisement -
Davao City – Nahuli ng Toril Police Station at Task Force Davao ang isang lalaking may dalang droga papasok sa lungsod ng Davao.
Habang nagpapatrolya ang mga kapulisan sa checkpoint sa Sirawan Toril, napansin ng mga kapulisan ang kaduda-dudang galaw ng lalaking nagngangalang alyas “Hedorick”, 39 taong gulang na nakatira sa SIR, New Matina lungsod ng Davao.
Nakita ng mga kapulisan ang drogang naglalaman ng halos 50 gramo. Humaharap ngayon ang nasabing suspek sa kasong RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act.”
Hinihimok ng mga kapulisan ang mga mamamayan na maging mapagmantyag sa mga ganitong gawain at magsumbong sa pinakamalapit na awtoridad.
(Source: Toril Police Station)
- Advertisement -