Friday, May 3, 2024

Davao: Higit P24,000.00, kinita ng barangay mula sa palaisdaan sa tulong ng Revitalized Pulis Sa Barangay (RPSB) sa Davao city

- Advertisement -

Davao City – Ang Brgy. Lumiad Fish Farmers Association ay nakapagharvest ng 130 kilos ng Hito at 78 kilos ng Tilapia mula sa kanilang palaisdaan na matatagpuan sa Purok 1 Centro, Brgy. Lumiad, Paquibato District, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Pinagtutulungan ng mga tauhan ng PO at ng RMFB 11 Revitalized-Pulis Barangay Team Paquibato Sub-Cluster 1 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alvin Spencer P. Cahilig, ang Team Leader; PFC Rey C. Tindoy, Community Development Team, 27IB at 1003rd ang pagha-harvest ng mga isda.

Naibenta ng ₱ 130.00 kada kilo ang Tilapia habang ang Hito ay ₱ 100.00 kada kilo na naubos ngayong araw, Disyembre 15, 2021 sa pinagsamang tulong ng RMFB 11 R-PSB Team Paquibato Sub-Cluster 1. Sa kabubuan, kumita ito ng ₱ 24,700.00.

Nagpapasalamat ang lahat ng miyembro ng samahan sa pangunguna ni Mr. Rodolfo Z. Oberez, ang Presidente ng samahan sa lahat ng tumulong lalong-lalo na sa R-PSB at sa Department of Agriculture (DA) sa pagbibigay ng bagong fingerlings na nagsilbing puhunan.

(Source: PCADG Davao Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img