ZAMBOANGA: 3. IKA-SIYAM (9) NA LINGGO NG COASTAL CLEANUP DRIVE SA BARANGAY CAWIT

    0
    5

    Nagpatuloy nitong Sabado, Setyembre 5, ang coastal cleanup drive sa Barangay Cawit sa ika-siyam na linggo nito, sa pangunguna ng Office of the City Environment and Natural Resources (OCENR).

    Kumpara sa mga unang lunggo ng kampanya, mas kaunting basura ang nakolekta sa pinakahuling aktibidad habang patuloy na nakikilahok ang mga residente ng barangay, mga kawani ng pamahalaang lungsod at nasyonal, at mga katuwang mula sa pribadong sektor sa pagpulot ng basura at paglilinis ng baybayin.

    Ang lingguhang aktibidad na ito ay bahagi ng mga pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Khymer Olaso na pangalagaan at panatilihin ang kalinisan ng mga baybaying lugar ng lungsod. (Algie Rojas)

    Source: City Government of Zamboanga.

    Leave a Reply