Davao: Guwardiya Ng Isang Electric Cooperative, Arestado Sa Drug Buy-Bust Operation Sa Digos City

0
299

Davao del Sur- Inaresto ng mga tauhan ng Digos Police Station ang isang alyas “Ken-Ken”, isang security guard ng Davao del Sur Electric Cooperative (DASURECO) matapos mabilhan ng ilegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation sa pangunguna ng City Drug Enforcement Unit CDEU/INTEL na pinamumunuan ni PLt. Col. Hamlet Lerios, Hepe ng Digos Police Station bandang alas-10 ng gabi, Disyembre 4, 2021 sa Purok Acacia, Brgy. San Jose, Digos City.

Na-recover sa suspek ang limang (5) piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu bilang buy-bust item na may halaga na aabot sa ₱ 7 650.00, isang one thousand peso bill (₱ 1 000.00) bilang marked money, isang cellular phone at isang Suzuki Raider 150 na motorsiklo na kanyang ginagamit. Inamin agad ng suspek ang mga nasabing droga at dagdag pa niya, day-off niya mula sa kanyang trabaho sa oras ng kangyang pagka-aresto.

Sa kasalukuyan, patuloy ang paalala ng mga kapulisan na hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos ang mga transaksyon ng ilegal na droga.

(Source: Digos CPS CAD)

Leave a Reply