Davao City – Isang ex-army ang binaril, patay ng hindi pa kilalang suspek alas-6 kagabi, Nobyembre 18, 2021 sa Upper Piedad, Marapangi, Toril, Davao City.
Kinilala ni PLt. Jeffrey Bangcas, Deputy Station Commander sa Toril Police Station ang biktima na si Joel Dumlao, 50 taong gulang at residente sa Purok 8, Brgy. Marapangi, Toril District, Davao City.
Ayon ni PLt. Bangcas na batay sa imbestigasyon, nagpaalam umano sa kanyang anak ang biktima na bibili ng ulam subalit laking gulat nila nang mabalitaan na binaril ang biktima.
Dagdag ni PLt. Bangcas, isa sa mga hinihinalang motibo sa krimen ang personal grudge matapos sinabi ng asawa ng biktima na may karelasyong ibang babae umano ito.
Narecover ng mga awtoridad ang isang empty shell ng .45 caliber pistol sa crime scene.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
(Source: Toril Police Station)
