Wednesday, May 8, 2024

Davao: Dalawang mga rallyista na may warrant inaresto sa DCPO

- Advertisement -

Inaresto sa pamamagitan ng Warrant at Intel Personnel sa San Pedro Police Station 2, DCPO at PRO 11 ang dalawang mga lalaking may standing Warrant of Arrest kahapon, Hulyo 25 pasado 3:00 ng hapon sa Freedom Park, Roxas Ave., Davao City.

Ang dalawa ay kinilala sa Davao City Police Office na sina Mawning Pangadas 19 taong gulang at si Esmael Pangadas 23 taong gulang na parehas na taga Kamingawan Palma-Gil Talaingod Davao Del Norte.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest inaresto ang dalawa dahil sa kasong Anti Trafficking of Persons Act of 2003 o RA 9208 as amended by RA 10364 na ipinalabas ni Hon. Judge Jimmy Bustillo Boco sa RTC 11 Br 2 Tagum City, Davao Del Norte nitong Hulyo 7, 2022 na walang nakarekomendang pyansa.

Kinumpirma ni PJ Dizon, ang Secretary General sa Kilusang Mayo Uno Southern Mindanao na kasama ang dalawa sa mga sumaling ralista sa Freedom Park kahapon ng hapon sa ginawang SONA ni President Ferdinand Marcos Jr.

(Source: San Pedro Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img