33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Davao: Dalawang mga lalaki nakuhaan ng baril sa Davao checkpoint, arestado

- Advertisement -

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhaan ng baril sa Task Force Davao Checkpoint sa Barangay Sirawan Toril District sa magkaibang oras kahapon, Hulyo 21, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Unang nahuli pasado alas 12 ng madaling araw. Kinilala ni Captain John Louie Dema-ala, Public Information Officer sa Task Force Davao ang suspek na si Richard Taripe, 36 taong gulang na taga Tupi, South Cotabato.

Ayong kay Captian Dema-ala, habang sakay ng itim na pick-up si Taripe papasok sa Davao City, sa inspeksyon, nakuhaan ito ng isang .45 Caliber Pistol, dalawang magazines loaded ng 19 na mga bala.

Sunod naman na nahuli pasado 11 ng umaga ang 32 taong gulang na si Mark Jason Lim na taga Butuan City.

Dagdag ni Captain Dema-ala na papasok sa Davao City ang suspek sakay ng isang Subaru, sa inspeksyon nakuhaan ng Caliber .40 Pistol at isang magazine na may 14 round ammunition

Walang naipakitang mga legal na dokumento ang mga suspek na naging dahilan ng kanilang pagka aresto, sa ngayon, ang dalawang suspek ay nasa kustodiya sa Toril Police Station.

(Source: Task Force Davao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -