Tagum City – Sinampahan na ng kaso’ng violation ng Section 4 in relation to Section 7 ng Republic Act (RA) 7832 o Anti-Pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act of 1994 ang dalawang mga lalaki na ilegal na nangunguntrata ng tapping ng linya ng koryente sa Cuambugan, Tagum City, Davao del Norte.
Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Tagum City ang dalawang suspek nga kinilalang sila alyas Jojo, 44 anyos, binata, electrician at residente ng Purok Pag-asa, Visayan Village, Tagum City at alyas Jan-Jan, 43 anyos, may asawa, isang line man na nakatira sa Purok 3 Kaputian, Malalag, Davao del Sur.
Sa impormasyon na natanggap ng NBI-Tagum na may mga indibiduwal na nangunguntrata ng iligal na pag-tap ng koryente mula sa poste sa Northern Davao Electric cooperative, Inc. (NORDECO). Isang alyas Adam na nakatira sa Cuambugan, Tagum City ang kliyente ng mga suspek ang nagsumbong sa tanggapan ng NBI-Tagum.
Pagdating ng mga otoridad, nasa akto rin ang dalawa’ng mga suspek na nag-tap ng wire sa koryente kung saan umakyat pa sa poste sa Nordeco at agad silang pinosasan.
Ayon naman sa NORDECO na kakasohan agad nila ang sino mang illegal na mag-tapping ng koryente. Ang dalawang nadakip ay nasa kustodiya na ng NBI-Tagum.
(Source: NBI Tagum City)