Davao: Dagdag Na 23,300 Doses Ng Oxford-AstraZeneca COVID-19 Vaccine, Dumating Sa Davao Region

0
299

Davao Region – Dagdag na 23,300 doses ng Oxford-AstraZeneca COVID-19 vaccine ang dumating sa rehiyon kahapon, Disyembre 4, 2021 sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 961.

Ang mga natanggap na bakuna ay ilalaan para sa patuloy na vaccination roll-out sa rehiyon. Sa kasalukuyan, aabot na sa 5,869,004 doses ang natanggap ng Davao Region.

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga kabataan na may edad na 12-anyos pataas na magpalista sa kanilang mga Local Government Unit (LGU) para mabigyan ng iskedyul para sa bakuna at makipagtulungan para labanan ang COVID-19.

(Source: Department of Health Davao Region)

Leave a Reply