Dating pulis na nasa watchlist ni Pangulong Duterte patay sa drug operation sa Cebu

0
7

Patay ang isang dating pulis na nasa watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang manlaban sa isinagawang drug operation ng mga otoridad sa Minglanilla, Cebu.

Ayon kay Region-7 Police Provincial Director Brigadier General Albert Ignatius, isisilbi sana ng mga otoridad ang warrant of arrest laban kay Basilio Quirante at Faustino Sarminez dahil sa kasong multiple attempted murder, murder, at drug possession charges.

Subalit bigla na lamang daw itong nagpaputok at nagtangkang tumakas kaya’t napilitan nang gumanti ang mga otoridad na ikinasawi ni Quirante at ng kasamahan nitong si Sarminez na mayroon ring kinakaharap na tatlong warrant of arrest.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang submachine gun, 45 caliber pistol, ammunition, at mga pakete ng hinihinalang shabu.