COVID-19 recoveries sa hanay ng PNP pumalo na sa mahigit 2K

0
11

Umabot na sa kabuuang 2,019 ang mga PNP personnel na nakarekober mula sa sakit na COVID-19.

Ayon sa pambansang pulisya, ito’y matapos na makapagtala sila ng 178 new recoveries.

Kaugnay nito, inanunsyo naman ng PNP na umakyat na sa 2,842 ang COVID-19 cases sa kanilang hanay makaraang makapagtala ito ng 42 new cases.

Samantala, nananatiliĀ  naman sa 13 ang death toll sa loob ng organisasyon.

Sa kasalukuyan, aabot sa 2,349 ang suspected cases sa PNP atĀ  779 naman ang probable cases.