Dagdag presyo sa produktong petrolyo asahan na sa susunod na linggo

0
10

Asahan na ang panibago nanamang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Inihayag ng Unioil Petroleum Philippines, na posibleng umabot sa 10 sentimo ang itataas sa kada litro ng krudo simula August 18 hanggang 24.

Habang nasa 60 hanggang 70 centavos naman ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Base sa latest data ng Department of Energy (DOE), lumalabas na naglalaro ngayon sa P41.55 hanggang P54.70 ang kada litro ng gasoline habang nasa P31.60 hanggang P39.10 ang presyo naman ng kada litro ng diesel.