Friday, May 3, 2024

Dating aktor na si Jiro Manio nahaharap sa kasong frustrated homicide

- Advertisement -

Ipinagharap na ng kasong frustrated homicide ang dating aktor na si Jiro Manio makaraang saksakin umano ang isang lalaki sa lungsod ng Marikina.

Kinilala ang biktima na si Zeus Doctolero, 25 taong gulang.

Ayon sa imbestigasyon ng Marikina Police, nangyari ang insidente sa Barangay San Roque.

Sinasabing naglalakad ang biktima nang biglang bumunot ng kutsilyo si Manio at sinaksak ito ng 3 beses sa iba’t ibang parte ng katawan.

Subalit ayon sa isang testigo, kutsara ang ipinansaksak ni Manio sa biktima at hindi kutsilyo. Nakursunadahan lang din umano si Manio ng grupo ni Doctolero kaya’t humantong ito sa pananaksak.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img