Friday, May 3, 2024

Dalawang most wanted person sa Metro Manila arestado ng NCRPO

- Advertisement -

Naaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dalawang most wanted person sa Metro Manila.

Unang naaresto ng mga pulis sa barangay Zone 5, Sogod, Leyte ang wanted na si Prelan Grama na sangkot sa pagpatay kay P/Supt. Cipriano Herrera na dating station 3 commander ng Manila Police District (MPD).

Nagtatago sa batas si Grama sa loob ng apat na taon dahil sa kasong murder, carnapping at robbery.

Samantala, naaresto rin ang isa pang top most wanted person ng NCRPO na si Jennie Pabito, 74 anyos na residente ng San Lorenzo, Kapitolyo, Pasig City.

Mayroon naman itong kaso ng two counts of qualified rape sa regional trial court branch 261 sa Pasig City.

Tiniyak naman ng mga pulis na tuloy parin ang mga manhunt operation laban sa mga most wanted person sa bansa sa kabila ng banta ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img