35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Public Health Expert Epidemiologist nanindigan na tapos na ang Pilipinas sa 2nd wave ng COVID-19 noong Marso

- Advertisement -

Iginiit ni Public Health Expert Epidemiologist Dr. John Wong na tapos na ang Pilipinas sa second wave o ikalawang bugso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Wong, nagsimula ang second wave sa bansa noong Marso kung saan nasa mahigit 500 kaso ng COVID-19 ang naitala.

Aniya, napigilan naman agad ang pagtaas ng kaso nang magpatupad ang gobyerno ng lockdown.

Dagdag pa ni Dr. Wong na natapos na ng Pilipinas ang peak ng second wave ng COVID-19 noon pang katapusan ng Marso.

Ang paglilinaw ni Dr. Wong ay taliwas sa inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nararanasan na ng Pilipinas ngayon ang second wave.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -