Sunday, May 5, 2024

Dalawang batalyon ng sundalo ipadadala sa Middle East

- Advertisement -

Naghahanda na ang dalawang batalyon ng sundalo na ipadadala sa Middle East sa gitna ng tumitinding tensiyon duon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, isang batalyon ng army at isang marine battalion ang ide-deploy batay na rin sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw naman ni Lorenzana na hindi makikipag bakbakan ang naturang mga sundalo bagkus ay tutulong ang mga ito sa repatriation ng mga Pilipino.

Inaayos na lamang ang logistics at documentation ng mga sundalo pagkatapos ay aalis na ang mga ito sa lalong madaling panahon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img