Pondo para sa repatriation sinigurong sapat ng Gobyerno

0
24

Siniguro ng gobyerno na sapat ang pondo nito para tugunan ang repatriation ng mga Pilipino sa Middle East sakaling mas tumindi pa ang kaguluhan.

Ayon kay Budget Assistant Secretary Rolando Toledo, mayroong 1.8 billion repatriation fund sa ilalim ng 2020 national budget.

Bukod pa aniya ito sa 13 billion na contigency fund na maaring magamit sakaling kulangin ang inilaang naunang budget ng DFA at OWWA.

Una nang nag abiso si Pangulong Rodrigo Duterte kay Budget Secretary Carlos Dominguez at sa Kongreso na maghanda na ng emergency fund para sa pag papauwi sa mga Pilipino sa Middle East.