Castro pinag aaralang makuha ang posisyon bilang Minority leader sa 18th Congress

0
50

Pinag-aaralan na ngayon ni Capiz Rep. Fredenil Castro na makuha ang posisyon bilang minority leader ng 18th Congress.

Sa isang pahayag, inamin ni Castro na mayroong mga miyembro ng Kamara na humihimok sa kanya na maging lider ng minorya.

Ito, anya ay upang mapanatili ang pagkakaroon ng credible balance sa mga opinyon at isyu ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Castro na seryoso niyang ikinukunsidera ang mungkahi upang maging oposisyon.

Gayunman, sinabi rin ni Castro na hihintayin pa niya ang payo ng kapwa niya mambabatas upang matiyak na kaya niyang gampanan ng maayos ang naturang posisyon.