Tuesday, May 7, 2024

Dagdag-sahod sa mga kasambahay inirekomenda ng DOLE

- Advertisement -

Inirekomenda ng Department of Labor and Employment (DOLE) na taasan ang sahod ng mga kasambahay para hindi na mapilitan pa ang mga ito na mangibang-bansa.

Ito’y matapos makabalik ng pilipinas ang nasa 82 distressed Overseas Filipino Worker (OFW) kung saan ang karamihan ay mga kasambahay.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, kahirapan sa buhay at maliit na kinikita dito sa Pilipinas ang  nagtutulak sa maraming Pilipino na magtrabaho sa ibayong dagat bilang household worker.

Dahil dito, inirekomenda na ng DOLE sa National Wages and Productivity Board na itaas sa P5,000 hanggang sa P6,000 ang sahod ng mga kasambahay sa bansa.

Inaasahan na madedesisyunan ang taas pasahod ng mga kasambahay sa susunod na linggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img