Bagong BuCor Chief hindi gagamit ng Cellphone sa loob ng Bilibid

0
28

Hindi na gagamit pa ng mobile phone sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) si Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Gerald Bantag.

Ito ang inihayag mismo ni Bantag para aniya magsilbing halimbawa sa mga tauhan sa ahensya.

Ayon kay Bantag, nais niyang mahigpit na ipagbawal sa mga tauhan ang paggamit ng cellphone sa pasilidad kaya’t kaniya rin aniyang ipakikita na maging siya ay hindi gagamit nito sa loob.

Ipaguutos din umano niya ang mahigpit na paghahalughog sa mga gamit ng mga kawani upang walang makalusot na mga gadget o kung halimbawa ay may dala-dalang dalawang cellphone at ibenta.

Isa umano sa ginagamit na kasangkapan sa kurapsyon ang cellphone sa loob ng Bilibid.