P5-B para sa kanyang distrito na nasa 2019 budget inalmahan ni Alvarez

0
43

Umalma si dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa nabunyag na limang bilyong pisong pondo para sa kanyang distrito sa Davao del Norte sa panukalang 2019 national budget.

Ibinunyag ito ni House Majority Leader Rolando Andaya sa isang privilege speech.

Ayon kay Alvarez, hindi niya alam kung maiinis o matatawa dahil alam naman ng lahat na panukalang budget o ang National Expenditure Program (NEP) ay galing sa Malacañang at isinusumite sa Kongreso para isalang sa mga pagdinig.

Kung totoo anyang may limang bilyong piso sa NEP para sa kanyang distrito, posibleng ang Malacañang ang naglagay dito o kaya ay isiningit ito habang dinidinig ang budget sa komite.

“Doon po nagkakaroon ng tinatawag na insertions dahil kung ano ‘yung ayaw nila doon sa NEP at may gusto silang ipasok, gusto nilang palitan doon po nangyayari ‘yun. Magmula nung SONA hindi na ako pumasok sa Kongreso, hindi ako nag-attend ng kahit na isang budget hearing, hindi ako pumapasok ng session, makikita ‘yan sa record ng Congress ‘yan, ako ay umuwi na dito sa distrito ko at nagikot-ikot na sa mga barangay.” Pahayag ni Alvarez

 (Ratsada Balita Interview)