Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo kasado na

0
16

Kasado na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, Bukas.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Chevron, Shell at Seaoil Philippines ay epektibo na alas-6 ng umaga bukas ang P0.15 na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang nasa P0.20  naman ang tapyas sa presyo ng diesel, at nasa P0.25 naman ang rollback sa kada litro ng kerosene.

Sa ngayon, inaasahan din naman na magpatupad ng kaparehong dagdag-bawas ang iba pang kumpanya ng langis.