Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagbili ng personal protective equipment (PPE) mula sa mga lokal na manufacturers.
Ito ang naging reaksyon ni Health Undersec. Maria Rosario Vergeire kaugnay ng naging paratang ng Confederation of Philippine Manufacturer of PPE (CPMP) na mas tinatangkilik pa ng pamahalaan ang pagbili ng mga PPE mula sa ibang bansa.
Ayon kay Vergeire, suportado ng pamahalaan ang mga lokal na supplier sa bansa kung saan nakikipag-ugnayan na aniya sila sa DTI para makapag-produce na ng mga dekalidad o medical grade na mga PPE’s.
Kaugnay nito, hindi naman ipinaliwanag ni Vergeire kung bakit hindi prayoridad ng DOH ang mga lokal na manufacturers ng PPE simula ng tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.