Dagdag-bawas sa presyo ng langis ipatutupad ngayong linggo

0
16

Mayroong dagdag-bawas na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pagpasok ng linggong ito.

Tataas ng otsenta sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina habang bababa naman ng kinse sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Una nang nag-anunsyo ang kumpaniyang Petron, Shell at Petro Gazz epektibo ala 6:00 ng umaga sa Martes, Nobyembre 12.

Ang Caltex naman, epektibo alas 12:01 ng madaling araw ang kanilang price adjustment kung saan, otsenta’y singko sentimos ang kanilang umento sa kada litro ng gasoline.

Una rito, nagpatupad noong Biyernes ng trenta sentimos na umento sa kada litro ng kanilang auto-LPG o Liquified Petroleum Gas ang kumpaniyang Cleanfuel.