Gatchalian nagbabala sa posibleng banta ng ASF sa mga paaralan

0
25

Nagbabala si Sen. Sherwin Gatchalian sa mga opisyal at guro sa mga paaralan sa bansa dahil sa posibleng banta ng ASF o African Swine Flu sa mga produktong ibinebenta sa loob at labas nito.

Ayon kay Gatchalian, kadalasang nakahihiligan ng mga bata ang mga pagkain tulad ng hotdog at longganisa na itinitinda sa canteen ng mga paaralan.

Kasunod nito, umapela rin si Gatchalian sa mga magulang na pag-ingatan ang kanilang mga anak mula sa lahat ng mga pagkaing ibinibigay sa kanila.

Matatandaang kinumpirma ng Bureau of Animal Industry kamakailan na nagpositibo sa ASF ang ilang produkto ng hotdog at longganisa.