MPD muling nagpatupad ng ‘stop and go’ scheme para sa ikalawang araw ng bar exams

0
12

Muling nagpatupad ng ‘stop and go’ scheme ang Manila Police District o MPD sa mga kalsadang nakapaligid sa UST o University of Sto. Tomas.

Ito’y para sa ikalawang araw ng bar examinations para sa taong kasalukuyan.

Batay sa datos mula sa Korte Suprema, nabawasan pa ang bilang ng mga kumukuha ng bar exam dahil sa may ilang hindi sumipot sa unang araw habang may isang nagdrop-out.

Ngayong araw, kinukuha ng mga examinees ang civil at taxation law gayundin ang labor at social legislation.

Sa susunod na linggo, criminal law at mercantile law naman ang kukuning pagsusulit ng mga bar examinees.

Habang sa huling linggo ng Nobyembre, remedial law at legal and judicial ethics at practical exercises naman ang siyang ipagsusulit.