Friday, May 3, 2024

Dagdag-bawas sa presyo ng langis asahang muli ngayong linggo

- Advertisement -

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang isang kumpanya ng langis ngayong linggo.

Batay sa anunsyong inilabas ng Petron Corporation tataas ng P0.80 ang kada litro ng gasolina samantala P0.30 kada litro ang itatapyas sa presyo ng diesel at P0.20 ang ibababa sa presyo ng kerosene kada litro.

Epektibo ang naturang dagdag-bawas sa Martes, November 19 ng ala 6:00 ng umaga.

Ayon sa Petron, ang paggalaw sa produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng paggalaw naman ng presyo ng imported na langis.

Samantala, asahan rin ang pag anunsyo ng iba pang kumpanya ng langis sa mga susunod na araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img