Higit 200 pamilya sa Bicol Region lumikas dahil sa bagyong ‘Ramon’

0
17

Lumikas ang mahigit 200 pamilya sa Bicol Region dahil sa bagyong ‘Ramon’.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may kabuuang 202 pamilya o nasa 774 na residente ang inilikas sa mga evacuation centers sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes simula kahapon.

Gayunman nasa 25 naman ang pamilya o nasa 108 indibidwal ang nasa labas pa ng mga evacuation centers.

Samantala, inaasahan namang lalabas na ng bansa ang bagyong ‘Ramon’ sa Huwebes.