Daan-daang mga motorcycle riders ang nagsama-sama para sa isang motorcade protest sa EDSA.
Ito ay bilang pagtutol sa kautusan ng Korte Suprema na pumapabor sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagpapatigil sa operasyon ng transport network mobile app na Angkas.
Taliwas ang nasabing kautusan ng Korte Suprema sa naunang desisyon ng Mandaluyong Regional Trial Court na nagbabawal sa ang LTFRB na hulihin ang mga Angkas riders.
Hirit ng mga Angkas riders, dapat nang gawing ligal ng pamahalaan ang nasabing motorcycle ride-sharing app lalo’t ikinabubuhay ito ng aabot sa 25,000 mga riders.
Bukod dito, tinututulan din ng grupo ang panukalang paglalagay ng license plate sa harapang bahagi ng motorsiklo na anila’y delikado para sa mga riders.
Umabot sa mahigit isang kilometro ang haba ng mga motorcycle riders na sumama sa motorcade na nagsimula sa northbound lane ng EDSA sa bahagi ng People Power Monument at White Plains.