DA tiniyak na mananatiling normal ang suplay at presyo ng karneng baboy

0
54

Tiniyak ng Dept. of Agriculture (DA) na mananatiling normal ang suplay at presyo ng karneng baboy.

Ito ay sa gitna ng pagkamatay ng ilang mga alagang baboy sa ilang lalawigan sa bansa, dahil sa isang hindi pa natutukoy na sakit.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, inaasahan nilang magiging mataas ang demand sa suplay ng baboy sa pagpasok ng “ber” months.

Noong nakaraang linggo lamang ng ihayag ng ilang agriculture officials na posibleng hog cholera ang dahilan ng pagkamatay ng mga alagang baboy ngunit nanindigan ang DA na mas makabubuti na hintayin na lamang ang resulta ng laboratory tests bago nito tukuyin ang sanhi ng pagkamatay ng mga baboy.

Kaugnay nito, sinabi ni Dar na nais alamin ng pamahalaan kung nakapasok na sa bansa ang African Swine Flu (ASF) at kung ito ang misteryosong sakit na naging sanhi ng pagkamatay ng mga alagang baboy.

Gayunman sinabi naman ng Dept. of Health (DOH) na bagaman nakamamatay ang ASF sa mga baboy ay wala naman itong masamang epekto sa mga tao.