Mga barkong pandigma ang kailangan may permiso na dadaan sa EEZ ng Pilipinas — Malacañang

0
63

Binigyang diin ng palasyo ng Malacañang na hindi lahat ng barkong dadaan sa karagatang sakop ng Pilipinas ay kailangang manghingi ng permiso sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tanging ang gray ships o ang mga barkong pandigma lamang ang kailangang mag-abiso sa pamahalaan sa tuwing dadaan ito sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Una rito, ipinagutos ni Pang. Rodrigo Duterte na kailangang mag abiso sa gobyerno ang mga barkong dadaan sa EEZ ng Pilipinas, matapos na ika-alarma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagdaan ng ilang Chinese warships sa territorial waters ng bansa.