Crime rate sa bansa habang umiiral ang community quarantine bumaba —PNP

0
17

Bumaba ng 55% ang naitatalang krimen ng Philippine National Police (PNP) sa bansa simula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si Brigadier General Bernard Banac, nakatulong ang umiiral na community quarantine para maging stable ang peace and order sa bansa.

Gayunman, inaasahan naman anila ang bahagyang pagtaas ng crime rate ngayong unti-unti na ang pagluwag sa lockdown restrictions.