Mas nakatuon ang pamahalaan sa COVID-19 pandemic kaysa sa revolutionary government issue.
Ito ang naging pahayag ng Malakanyang kasunod ng panawagan ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) na pagtatatag ng revolutionary government.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, malaya namang magbigay ng opinyon ang naturang grupo hinggil sa naturang usapin.
Gayunman, ay mas naka tuon aniya ang pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at sa unti-unting pagbuhay ng ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ni Roque, kinakailangan din ng buong atensyon ng ehekutibo para sa pinaka-urgent na problema ng bansa gaya ng pandemya.
Samantala, matatandaang sinabi ng grupong MRRD-NECC na magtutungo sila sa Malakanyang para ipanawagan sa pangulo ang kanilang panawagang rev gov.