Sunday, April 28, 2024

Rev gov hindi suportado ng PNP

- Advertisement -

Hindi susuporta ang Philippine National Police (PNP) sa panawagang palitan ang kasalukuyang sistema ng pamahalaan patungong revolutionary government.

Ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac, ang anomang pagkilos na naglalayong pabagsakin at maliitin ang konstitusyon o pamalahaan ay tiyak na hindi susuportahan ng Pambansang Pulisya.

Aniya, kilala na nila ang lider ng grupo ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) na siyang nagsusulong ng pagbuo ng isang rev gov.

Sa ngayon aniya ay iniimbestigahan na rin nila ang lahat ng personalidad na nagtungo sa ikinasang pagpupulong ng naturang grupo noong Agosto 20 kung saan inimbitahan pa umano ng mga ito si PNP chief Gen. Archie Gamboa, ngunit hindi naman ito sumipot.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -