Mga nagho-hoard ng face shield hahabulin ng DOJ

0
22

Nangako ang Department of Justice (DOJ) na kanilang hahabulin ang mga hoarders ng face shield.

Ito ay makaraang tumaas ang demand ng face shield matapos na gawing mandatory ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsusuot nito tuwing sasakay sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang mga abusadong negosyante na sangkot sa hoarding ng face shield ang siyang dahilan kung bakit tumataas ang presyo nito sa merkado.

Dahil dito, hinihikayat ni Guevarra ang mga konsyumer na makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) kung may kilala itong mga negosyante na sangkot sa ilegal na gawain.

Samantala, sang-ayon naman si Guevarra sa iminungkahi ni Senadora Imee Marcos na gawing libre na lamang ang mga face shield o di kaya’y ibenta na lamang ito sa mas murang halaga upang hindi na ito dumagdag pa sa gastusin ng mga mahihirap na manggagawa.