30 C
Manila
Friday, April 19, 2024

CPP-NPA nagdeklara ng unilateral ceasefire ngayong Kapaskuhan

- Advertisement -

Nagdeklara ng unilateral ceasefire o tigil-putukan ang central committee ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front. O CPP-NPA-NDF.

Ito’y ayon sa Central Committee ng komunistang grupo ay kasabay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan ng mga Pilipino gayundin ng kanilang pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo sa Disyembre 26.

Epektibo ang tigil-putukan, alas-12:01 ng Disyembre 24 hanggang alas-11:59 ng Disyembre 26.

Mauulit naman ang tigil-putukan para sa pagdiriwang ng Bagong Taon alas-12:01 ng Disyembre 31 hanggang alas-11:59 ng Enero 1.

Dahil dito, makaaasa anila ang mga law enforcement agencies tulad ng AFP at PNP ng katahimikan at mapayapang pagdaraos ng mga nabanggit na okasyon.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -