28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Piñol kumbinsidong may demolition job laban sa kanya

- Advertisement -

Kumbinsido si Agriculture Secretary Manny Piñol na mayroong umaandar na demolition job laban sa kanya.

Sa gitna ito ng anya’y mga pasaring sa kanya sa mga balita na sangkot siya sa mga financial transaction para sa pag-angkat ng bigas.

Hindi direktang tinukoy ni Piñol kung mga negosyante sa bigas ang nasa likod ng demolisyon laban sa kanya subalit, marami aniya ang nasagasaan nang magpatupad siya ng report sa industriya ng bigas.

“Tinatago muna ang bigas ko bukas magmamahal ang bigas, hindi kasi may SRP na eh, pangalawa hindi ka na puwedeng manloko ng tao sa palengke na maglalagay ka diyan ng Sinandomeng at kung ano-anong pangalan, so maraming nasasagasaan sa programang ito, hindi ko naman na sinasabing sila pero tingin ko it’s a well-organized demolition job parang ini-insinuate nila na sa tatlong buwang nailipat sa amin sa DA ang NFA ay kumita na ako.” Ani Piñol

Kinumpirma ni Piñol na kusang loob siyang dumulog sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang magpa-lifestyle check.

Kabilang sa kanyang mga isinumite ang pito niyang bank account sa apat na bangko.

“So far ‘yun lang naman ang nakikita ko na posibleng maging grupo na may interes na siraan ako, si Presidente kapag nakarinig ng ganyan ay nagre-react agad, at least to clear my name, mas mabuti na mauna na akong nagpapakita na wala akong record baka mamaya may gusto lang na pumalit sa atin sa puwesto, pero ako naman kapag wala nang tiwala sa akin ang Pangulo ay handa akong magbitiw, wala tayong problema diyan.” Pahayag ni Piñol

 (Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -