Friday, May 3, 2024

COVID-19 ward, ICU units ng St. Lukes Medical Center puno na

- Advertisement -

Nasa full capacity o okupado na ang buong ward at lahat ng ICU units ng St. Luke’s Medical Center na nakalaan para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ipinalabas na abiso ng St. Luke’s Medical Center, kanilang ipinagbigay alam na kapwa naabot na ng kanilang mga ospital sa Quezon City at Global City Taguig ang full capacity nito para sa mga COVID-19 patients.

Maging ang kanilang emergency rooms ay halos okupado na rin ng mga pasyenteng may COVID-19.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng St. Luke’s ang publiko na magtungo na lamang muna sa ibang health care facilities o ospital kung kinakailangan ng agarang kalinga para sa mga sakit na may kinalaman sa COVID-19.

Tiniyak naman ng St. Luke’s Medical Center na magbibigay sila ng regular update sa publiko hinggil sa sitwasyon ng kanilang mga ospital.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img