Tiniyak ng Malakanyang na libre pa ring ibibigay sa mga Pilipino ang bakuna para sa COVID-19, oras na maging available na ito sa merkado.
Ito ay sa kabila ng gagastusin ng gobyerno sa mga bakuna na magmumula sa Russia at China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatili ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na libreng bakuna para sa 20 milyong mga Pilipino.
Kabilang na aniya sa mabibigyan ng libreng bakuna ang mga healthcare workers, frontliners at poorest of the poor.
Una namang ipinaliwanag ni Finance Secretary Carlo Dominguez kung paano mababayaran ng bansa ang mga bakuna nakukunin sa ibang bansa.
Kung saan mag aangkat aniya ang Philippine International Trading Corp. (PITC) ng mga bakuna, habang ang Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines naman ang magpapautang dito.