2 opisyal ng PhilHealth umaming nagsingunaling sa pagdinig ng Senado kaugnay sa IT system ng ahensya

    0
    8

    Nag-motion si Senator Panfilo Lacson na i-cite in contempt sina PhilHealth Senior Vice President, Chief Information Officer Jovita Aragona at acting Senior Manager for IT Management  Calixto Gabuya dahil sa patuloy na pagsisinungaling at pangloloko sa mga senador sa pagdinig ng senado sa mga isyu ng katiwalian sa PhilHealth.

    Una kasi rito nais ni Senator Lacson na bigyan ng tsansa sina Aragona at Gabuya na isalba ang kanilang mga sarili kung kaya’t muling tinanong ang mga ito kung patuloy na paninindigan ang kanilang  pagdidipensa sa binili na overpriced IT equipment at planong bilhin  pa.

    Magugunitang noong una ay naninindigan pa ang mga ito sa naging testimonya sa nakalipas na pagdinig, ngunit sa bandang huli umamin na ang dalawa na nagkamali sila sa kanilang mga nasabi.

    Dahil dito, binawi na ni Senator Lacson ang motion na ipa-contempt sina Aragona at Gabuya in the spirit of COVID-19.

    Kasabay nito, sinabi rin ni Senate President Vicente Sotto III, na hindi rin sila handang ikulong ang mga ito dahil hindi pa nadi-disinfect ang mga detention room sa senado.