Nais ni Senator Christopher Bong Go na amyendahan ang batas upang mapatawan ng parusang pagputol sa daliri ng mga opisyal na mapapatunayang nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Minungkahi ito ng senador kasabay ng ginawang pagdinig ng Senado kahapon, hinggil sa umanoy malawakang korapsyon sa PhilHealth.
Ayon pa sa senador, maraming Pilipino ang umaasa ngayon sa PhilHalth at wala naman umanong matatakbuhan ang ilang mga Pilipino kundi ang ahensya.
Samantala, hindi naman sinang-ayunan ni Senate President Vicente Sotto III ang naging mungkahing parusa ni Bong Go na aniya’y hindi naaayon sa saligang batas ng bansa.
Magugunitang umuusad ngayon ang imbestigasyon ng Senado ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa umano’y overpricing sa pagbili ng IT system na nagkakahalaga ng P2 bilyon.