Tuesday, May 7, 2024

Duterte: “Hindi namin kayo pababayaan” sa gitna ng COVID-19 outbreak

- Advertisement -

                   “HINDI NAMIN KAYO PABABAYAAN”

Ito ang naging pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayang Pilipino sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Pangulong Duterte, uma-apela siya sa mga Pilipino na sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin at maki-isa sa kampanya kontra COVID-19.

Sinabi pa ng Pangulo, sa gitna ng pandemyang ito, marapat lamang na isantabi muna ang pagkaka-iba ng lahat upang magkaisa’t magtulungang labanan ang nakamamatay na virus.

Aniya, wala kasing mangyayari kung patuloy lamang na magsisihan ang mga nasa puwesto bagkus ito ay panahon upang magbuklod-buklod ang bawat isa para sa kapakanan at kaligtasan nang nakararami.

Dagdag pa ng Pangulo, makatitiyak ang publiko na mananatiling ‘on top of the situation’ ang pamahalaan sa problemang ito.

Sa huli, sinabi ng pangulo na buo ang kaniyang kumpiyansa na bagamat matindi ang COVID-19, Mas malakas at mas matatag naman aniya ang mga Filipino at malaki ang kaniyang paniniwala na malalampasan din ng lahat ang problemang ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img