China nakapagtala ng 22 bagong kaso ng COVID-19

0
13

Nakapagtala ng 22 bagong kaso ng coronavirus  disease 2019 (COVUD-19) ang China.

Ayon sa mga health authorities, sa bilang na ito ay labing-apat ang imported o mga dayuhan habang locally transmitted naman ang iba pang kaso mula sa rehiyon ng Xinjiang at isa naman mula sa Guangdong province.

Samantala, ipinasara naman ang isang shopping center sa lungsod ng Shenzhen dahil sa naitalang kaso ng COVID-19 sa nabanggit na mall.